Skip to main content

Alamat ng Niyog

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: "Sino na ang magapakain sa amin?" tanong ng pinakamatandang anak. "Sino na ang mag-aalaga sa amin?" tanong ng ikalawang anak. "Sino na ang maglalaba n gating damit?" tanong ng ikatlong anak. Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya'y maganda at maputi. "Huwag na kayong umiyak," sabi niya. "Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi ...

Alamat

 Ano ang ALAMAT?

  Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Ito ay mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya't walang nagmamay-ari o masasabing may akda ito. Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap noong unang panahon.

  Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng
pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda
tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni't sa bandang huli
ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba. Ito ay sumasalamin sa kultura ng bayang pinagmulan nito.

  Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula noong unang panahon at nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ang alamat ay pinaniniwalaan ng
maraming tao na tutoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating
panitikan o sa ating kultura.

  Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba't-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng
sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Eto ay maaaring sa hangarin
na isanobela, isadula o isa-pelikula ang isang alamat.

  Halimbawa ang isang bersiyon ng alamat ni Bernardo Carpio ay sinasabing sadyang
pinalaganap ng mga Kastila upang mapigilan ang namumuong himagsikan ng mga
Pilipino laban sa mga mananakop.

  Ibang bersiyon naman ang pinalalaganap ng ibang mga magulang sa hangaring ang
kanilang mga anak ay huwag matakot kapag lumilindol sapagkat eto ay likha lamang
ni Bernardo tuwing nagtatangkang kumawala sa nag-uumpugang bato.

  Bagama't maraming bersiyon ang alamat, ang mga eto ay nagkakaisa sa
paglalarawan kay Bernardo na isang matipuno at makisig na lalaki. Ang pagkakaiba
ng iba't ibang bersiyon ay ang pagtalakay kung bakit, papaano, at sino ang naging
sanhi ng kanyang pagkaipit sa nag-uumpugang mga bato.

  Katumbas nito ang legend sa Ingles na mula naman sa salitang latin na Legendus. Sangay ng panitikang ambag ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga kastila.


Mga halimbawa ng alamat:
» Alamat ng Pinagmulan ng Daigdig
» Alamat ni Aliguyon
» Alamat ni Daragang Magayon


Alamat ng mga Bundok at Bulkan

» Alamat ng Banahaw
» Alamat ng Bulkan Mayon
» Alamat ng Bulkan Pinatubo
» Alamat ng Bulkan Kanlaon
» Alamat ng Bulkan Taal
» Alamat ng Bundok Banahaw
» Alamat ng Bundok Arayat
» Alamat ng Hagdan-Hagdan Palayan
» Alamat ng Chocolate Hills

Alamat ng mga Bayan at lugar

» Alamat ng Antipolo
» Alamat ng Binangonan
» Alamat ng Cainta
» Alamat ng Gapan
» Alamat ng Olongapo
» Alamat ng Panay
» Alamat ng Mindanao
» Alamat ng Ilog Pasig

Alamat ng mga Halaman at Bulaklak

» Alamat ng Amapalya
» Alamat ng Bayabas
» Alamat ng Durian
» Alamat ng Ilang-Ilang
» Alamat ng Kamatsile
» Alamat ng Kasoy
» Alamat ng Lansones
» Alamat ng Makahiya
» Alamat ng Makopa
» Alamat ng Niyog
» Alamat ng Pakwan
» Alamat ng Pinya
» Alamat ng Saging
» Alamat ng Sampalok
» Alamat ng Sampaguita
» Alamat ng Rosas
» Alamat ng Palay
» Alamat ng Kawayan
» Alamat ng Alagaw
» Alamat ng Ilang-Ilang

Alamat ng mga Hayop

» Alamat ng Aso
» Alamat ng Butiki
» Alamat ng Buwaya
» Alamat ng Gagamba
» Alamat ng Matsing
» Alamat ng Pagong
» Alamat ng Paro-Paro
» Alamat ng Tandang


bloggercode

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Cainta

Ang Cainta ay isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Noong unang panahon, may isang babae na kilalang-kilala ditto dahil sa magaganda niyang katangian. Mayaman, maganda, mabait at matulungin. Ang pangalan niya’y Jacinta. Ugali na niya ang tumulong sa kapwa. Nililimusan niya ang bawat pulubing lumalapit sa kaniya. Iniimbitahan pa nya ang mga ito upang kumain sa kanila. Mahilig din siyang makipaglaro sa mga mahihirap na bata. Ano mang laruan na magustuhan ng mga ito na hindi rin makasasama sa mga bata ay kanyang ipinagkakaloob sa mga ito. Hanggang sa kanyang pagdadalaga ay dala pa rin ni Jacinta ang magagandang katangiang ito. Si Jacinta ay madasalin. At kung araw ng lingo siya ay nasa simbahan. Nagpapamigay din siya ng mga regalo sa mahihirap pagkatapos ng misa. Dahil sa kanyang kabaitan, biniyayaan siya ng Diyos ng magandang kapalaran sa pag-ibig. Naging kasintahan niya ang kanyang kababata na isa ring mabuting tao. Mabait at maunawain din ang kanyang nobyo. Sa kasamaang palad ay nagkas...

Alamat ng Bundok Arayat

Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan. Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan n...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Ku...