Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2024

Alamat ng Niyog

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: "Sino na ang magapakain sa amin?" tanong ng pinakamatandang anak. "Sino na ang mag-aalaga sa amin?" tanong ng ikalawang anak. "Sino na ang maglalaba n gating damit?" tanong ng ikatlong anak. Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya'y maganda at maputi. "Huwag na kayong umiyak," sabi niya. "Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi ...

Alamat ng Niyog

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: "Sino na ang magapakain sa amin?" tanong ng pinakamatandang anak. "Sino na ang mag-aalaga sa amin?" tanong ng ikalawang anak. "Sino na ang maglalaba n gating damit?" tanong ng ikatlong anak. Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya'y maganda at maputi. "Huwag na kayong umiyak," sabi niya. "Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi ...

Alamat ng Makopa

Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit ng iasng mataas na bundok at halos naliligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan ditto ay tahimik at maligaya sa kanilang pamumuhay. Ang malawak na bukirin at mayabong na punong-kahoy ay nagbibigay ng masaganang ani na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon. Ngunit sa lahat ang pinagmamalaki ng mamamayan ay ang kanilang gintong kampana na nakasabit sa simboryo ng simbahan. Ang pinagmulan nito ay matagal ng nalimutan. Ayon sa mga kanunu-nunuan nila ang kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang ginagalang. Dito ay may napapaloob na hiwaga at ang paniwala'y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa nila sa buhay. Ang batingaw na iyon ay napakaganda ang hubog, malakas, at buo ang tunog. Kung tumutunog ay kinaririrnggan ng napakagandang tinig ng bawat taong makarinigay sapilitang lumuluhod at taimtim na nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa mga biyaya nilang tinatanggap. Talagang napakalaki ng pagsamba at pag...

Alamat ng Makahiya

Noong unang panahon ay may mayamang mag-asawa, sina Mang Dondong at Aling Iska. Mayroon silang labindalawang taong gulang na anak na babae na nagngangalang Maria. Mahal na mahal nila ang kanilang anak. Si Maria ay responsible at masuring anak. Siya ay masipag at mabait, dahil dito ay gusto siya ng lahat. Ngunit ang pagkamahiyain ay isa sa natatanging katangian ni Maria. Dahil sa mahiyain ay ilang sya sa pakikipag-usap sa mga tao. Para maiwasan niya ang makita o makisalamuhan sa mga tao, ay palagi niyang kinukulong ang sarili niya sa kanyang silid. Mayroong hardin ng mga bulaklak si Maria. Ang mga bulaklak ay magaganda at alam ito ng buong bayan. Matiyaga at magiliw niyang inaalagaan ang kanyang mga halaman. Sapagkat dito siya nakakakita ng kaligayahan. Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at tinatangay ang salapi ng mga residente. Kinabukan, ang mga bandido ay dumating kung saan naninir...

Alamat ng Lansones

Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman, walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito. Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng la...

Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkut na lungkot ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang magdaraos ng isang handaan ang Adang kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop at halaman. Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap. Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya. Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging ang Papaya. Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya ang kagubatan. Bukod tanging ang buto ng kasoy ang lungkut na lungkot. "Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan." Naulinigan ng makapangyarihang Ada himutok ng Buto. "Gusto kong maging maligaya...

Alamat ng Kamatsile

Sa isang gubat na madawag, may tumubong puno ng kamatsile na may malaganap na mga sanga. Sa tabi nito'y may nagsitubong iba't ibang mga punong may magagada't mababangong bulaklak na nakakahalina sa mga naglalakbay. Ang kamatsile lamang ang tanging walang bulaklak na maipagmalaki, nguni't maganda naman ang pagkakahubog ng kanyang malalago at malalabay na mga sanga. Subali't di man ito makatawag-pansin sa mga manlalakbay at di man siya tapunan ng bahagyang tanaw at ito ang ipinagmimighating malabis ng abang puno ng kamatsile. Isang araw, malakas na naibulalas ng kamatsile ang kanyang hinanakit. "Naku! Anong pagkalungkot-lungkot na buhay itong akin. Kung ako ba'y nagtataglay ng bulaklak na katulad ng mga katabi kong puno, sana'y makagagayuma rin ako sa mga taong dito'y nagsisipagdaan." Ang ganyan niyang himutok ay umabot sa pagdinig ng cadena de amor na gumagapang sa kanyang paanan. Kaya't ang daing ng kamatsile ay kanyang sinagot. "Mad...

Alamat ng Ilang-Ilang

Sa isang malayong lugar, may mag-asawang matagal nang hindi magkaanak sa kabila ng kasaganaan nila sa buhay. Abot ang dasal nila kay Bathala na sana’y pagkalooban nga sila ng anak. Isang gabi, habang nananalangin ang babae, nagpakita ang isang anghel sa kanya at nagwika, "Huwag kang matakot. Isinugo ako ni Bathala upang maghatid ng magandang balita. Kayo ay bibigyan na ng anak na babae na napakaganda. Tawagin ninyo siyang Ilang, subalit iwasan ninyo na mahawakan siya ng lalaki. Kapag nangyari iyon, mawawala sa inyo ang inyong anak," pahabol ng anghel. Nang nadalaga na si Ilang, maraming lalaki ang naakit sa kaniya. Labis na nangamba ang mga magulang niya na baka mahawakn ng mga lalaki kaya’t kinulong nila sa isang silid ang anak. Matinding kalungkutan ang nadama ni Ilang. Lagi siyang umiiyak araw at gabi. Gabi-gabi ay nananalangin siya. Dininig ni Bathala ang panalangin ni Ilang. Isang araw, biglang nabuksan ang bintana sa silid ni Ilang at siya’y tuwang-tuwang nakalabas...

Alamat ng Durian

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga kaaway. Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang bata'y pinangalanang Durian, na ang gusting sabihi'y munting tinik. Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang. Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan. Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungaw...

Alamat ng Bayabas

Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas. Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at lagging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan ng katarungan. Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya. Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit laging nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya. Nangunguna rin sa kasakiman si Su...

Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis na balat, at si patolan na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isan gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, sya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag. Araw araw, walang ginawa si Amplaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak sya ng masama sa kapwa nyang mga gulay. Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyan isinuot. Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hindi nab...

Nobela

  Ano ang Nobela?   Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Kahulugan:   Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. Layunin: gumising sa diwa at damdamin nananawagan sa talino ng guni-guni mapukaw ang damdamin n...

Alamat ng Ilog Pasig

Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit. Nagsisislbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata't dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng magkasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa ilog. Ngunit may napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na nakalutang sa tubig. Agad niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkang kanilang sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan, ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan siyang makaahon. "Paz sigueme! Paz, sigueme!" Ang salita...

Alamat ng Mindanao

Mayroon isang Sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang dahil siya ay isang dugong bughaw, kundi dahil rin sa kanyang katangian. Di lamang siya mayaman, si Sultan Gutang ay matapang, magandang lalaki at may matipunong pangangatawan. Si Sultan ay may natatanging anak, bukod sa isang prinsesa , nakakaakit ang kanyang kagandahan. Saan ka man maparoon, usap-usapan ang kagandahang niyang taglay. Prinsesa Minda ang ngalan niya. Dahil sa tanyag na kagandahan ni Minda, maraming tagahanga ito saan dako ng karatig pook. Marami ang nanliligaw: mga mayayaman, matalino, at may dugo ring maharlika. Dahil nga sa dami ng masugid na tagahanga nito, walang tulak siyangkabigin. Kaya minarapat ni Sultan Gutang na magkaroon ng isang pagsubok upang malaman kung sino ang higit na mapalad at karapat-dapat sa kanyang anak na si Prinsesa Minda. Nangyari nga ang ibig ng Sultan. Marami ang sumubok sa layuning makuha ang kamay ni Minda. Halos lahat ng sumubok at nagwagi sa una at ikalawang pagsubok, nguni...

Alamat ng Panay

Noong unang panahon,isang binata ang nanirahan sa isang malaking pulo. Nabubuhay siya sa mga sariwang gulay at prutas. Taga ilog ang tawag sa kanya. Minsan, isang matandang lalaki ang gustong makituloy sa bahay niya. Napangiti ang binata dahil magkakaroon na siya ng makakasama. May pagkakataong rin siyang makapaglingkodsa kapwa. Pinagsilbihanniyang mabuti ang matanda na labis na humanga sa kanya. "Salamat. Napakabait mo." anang matanda. "Siyanga pala, napansin kong maraming ibon at isda sa lugar na ito. Manghuli tayo para masarap ang ulam natin mamaya." "Naku, huwag po. Sila po ang mga kaibigan ko rito," magalang na tanggol ng binata. "Totoo palang napakabait mo," usal ng matanda. Nalaman din ng matandana bigay ng mga tagabukid ang nga damit ng binata dahil tinutulungan niya sa pagtatanim at pag-aani ang mga ito. Lalong tumibayang paghanga na matanda sa kanya. Marami namang natutunan ang binata sa mga pangaral ng matanda,tulad ng "Kun...

Alamat ng Olongapo

Noong araw ay may isang binatang mag-isang namumuhay sa malawak niyang bukirin. Marami ang tumutulong sa kanya gaya rin ng pagtulong niya sa kapwa. Kinagigiliwan siya at iginagalang ng mga kabataan. Katunayan ay tinatawag siyang Apo ng mga ito. Ang tunay niyang pangalan ay Dodong. Hindi kalayuan sa lupain ni Dodong ay may nakatirang isang dalagang mayumi at maganda. Mahaba at mabango ang kanyang buhok. Marami ang nabibighani sa kagandahan ni Perla. Matagal na silang magkakilala ngunit walang puwang sa puso ng binata si Perla dahil na rin sa agwat ng kanilang edad. Lumipat ng tirahan sina Perla at ang kanyang mga magulang. Hindi rin sila nagkikita ni Dodong. Isang hapon, hindi sinasadyang nakasalubong sina Dodong at Perla. Noon lang napansin ng lalaki ang iwing ganda ng babae. Binati ni Dodong si Perla at inalok na ihatid ang dalaga. Pinaunlakan naman siya ni Perla. "Tatang, narito po si Apo. Dadalaw po siya sa inyo ni Nanang," ang masayang bungad ni Perla pagsapit sa kani...

Alamat ng Gapan

Noong unang panahon ay may isang batang napakatigas ng ulo. Hindi siya sumusunod sa utos at payo ng kanyang mga magulang. Sa halip ay ang mga ipinagbabawal ng ina ang kanyang ginagawa. Ang pangalang niya ay Gardo. Isang araw, pinagsaing si Gardo ng ina. Pagkaluto ay agad siyang umalis at nakipaglaro. Nagpunta sa bakuran. Lumakad siya nang lumakad ngunit di makarating sa kanyang pupuntahan. Gusto niyang umuwi na ngunit di niya matutuhan ang daan pauwi. Sa pagod, nakatulog siya sa lilim ng punong mangga. Samantala, ang nanay niya ay di mapakali sa kahahanap kay Gardo. Tinulungan pa siyang kaniyang kapitbahay upang hanapin ang andk niyangsi Gardo. Sabi ng isangkapit-bahay, "Paarang nakita ko ang anak ninyo sa kabilang ibayo. Paikot-ikot siya sa dalawang puno na para bang pinaglalaruan ng tiyanak." "Kung hindi n’yo sa makita, kumuha kayo ng bilao, ipukpok ninyo sa puno ng hagdan at tawagin nang malakas ang kaniyang pangalan," ang payo naman ng isang magsasaka. Sinu...

Alamat ng Cainta

Ang Cainta ay isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Noong unang panahon, may isang babae na kilalang-kilala ditto dahil sa magaganda niyang katangian. Mayaman, maganda, mabait at matulungin. Ang pangalan niya’y Jacinta. Ugali na niya ang tumulong sa kapwa. Nililimusan niya ang bawat pulubing lumalapit sa kaniya. Iniimbitahan pa nya ang mga ito upang kumain sa kanila. Mahilig din siyang makipaglaro sa mga mahihirap na bata. Ano mang laruan na magustuhan ng mga ito na hindi rin makasasama sa mga bata ay kanyang ipinagkakaloob sa mga ito. Hanggang sa kanyang pagdadalaga ay dala pa rin ni Jacinta ang magagandang katangiang ito. Si Jacinta ay madasalin. At kung araw ng lingo siya ay nasa simbahan. Nagpapamigay din siya ng mga regalo sa mahihirap pagkatapos ng misa. Dahil sa kanyang kabaitan, biniyayaan siya ng Diyos ng magandang kapalaran sa pag-ibig. Naging kasintahan niya ang kanyang kababata na isa ring mabuting tao. Mabait at maunawain din ang kanyang nobyo. Sa kasamaang palad ay nagkas...

Alamat ng Binangonan

Ang bayan ng Binangonan ay nasa silangang dako ng Laguna de Bay. Ang dagat na ito ay nasa pagitan ng lalawigan ng Rizal at Laguna. Noong unang panahon, ang mga nakatira sa bayan ng Binangonan ay magkakamag-anak, sila ay madasalin, nagdadamayan sa lahat ng oras, sa kahirapan man o kalungkutan. Lahat ng ito ay nawalang saysay dahil sa isang malakas na bagyo na dumating sa bayan nila. Marami ang mga nasaktan, napinsala ang mga kabuhayan dahil sa bagyo. Marami rin ang ipinadpad doon ng malalaking alon. Isa na rito ang isang lalaki na inakala nilang patay na dahil hindi ito humihinga. “Sa ayos ng kanyang suot, hindi siya mangingisda, tulungan natin siya”. Wika ng alkalde ng bayan. Pinulsuhan ng isang albolaryo ang lalaki. Minasahe niya ito at diniinan sa dibdib para mailabas nito ang nainom na tubig hanggang sa huminga ito at ng magkamalay nagpumilit bumangon ang lalaki. Ang balita ay mabilis kumalat sa nayon at sa mga karatig na pook na may patay na bumangon. Magmula noon, ang bayba...

Alamat ng Antipolo

Noong panahon ng mga Kastila, karamihan sa mga magsasaka sa kapatagan ay umaakyat ng bundok dahil sa takot sa mga dayuhan. Sa kagubatan sila namamalagi upang makaiwas sa mga kaguluhang nagaganap sa bayan. Akala ng mga Kastila ay natayo ng grupo ng mga maghihimagsik ang mga magsasaka. Lalo silang nagalit kaya pinag-isipan kung paano makagaganti. Marami ang mga Pilipinong pinagbintangan nila gayong inosente ang mga ito sa kanilang ibinibintang. Hinuli nila at ipinilit ang mga ito dahil umano sa pagsapi sa himagsikan. Nabalitaan ng mga magsasakang naninirahan sa bundok ang tungkol sa paglusob ng mga gwardiya-sibil sa kanilang lugar. Nangatakot sila. Araw at gabi ay panay ang dasal ng mga kababaihan upang maligtas sila sa nakaambang panganib. Isang araw ay nagpasya ang mga Kastila na umakyat na sa bundok. Laking gulat nila nang makita ang lahat, babae man o lalaki, bata man o matanda, na nakaluhod at nagdarasal.immaculate Palibhasa ay taimtim sa pagdarasal ang mga tao kaya dininig an...

Alamat ng Chocolate Hills

Noong unang panahon, sa probinsiya ng Bohol, parting Kabisayaaan, may lupang malawak subali't ito ay tuyot. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init. Talagang pagpapawisan ka kapag napadaan ka sa lugar. Subali't kapag tag-ulan ito ay maputik at siguradong mababaon ang iyon paa kapag ikaw ay naka-yapak. Ngunit kung araw ng taniman ay maaliwalas ang kapaligiran sa kulay ng berdeng tanawin ng pook. Ayon sa matatanda roon, may isang araw sa magkabilang dulo ng isla na may dalawang higanteng dumating. Ang isa ay nagmula sa parting timog at ang isa naman ay sa hilaga. Ang mga naninirahan doon ay nangangamba na baka magkita ang dalawa. Kaya't nilisan pansamantala ng tagaroon ang lugar. Sa inaasahang pangyayari nagkita nga ang dalawang higante. "Anong ginagawa mo sa aking nasasakupan!" Ito'y aking pag-aari at umalis ka na," galit na sinabi ni Higanteng mula saTimog . " Maghanap ka ng lugar na iyong aangkinin." "Aba!, ako yata ang naun...

Alamat ng Hagdan-hagdan Palayan sa Ifugao

Ang guro sa Banaue ay kinakausap ng isang lider ng sitio. Ang sabi n glider, "Ipinagmamalaki ng Banaue ang kanyang alamat na bantog na nantog sa buong Bulubundukin. Ang Ifugao Rice Terraces ay ikawalong himala sa daigdig. Alam mo ba kung paano nagmula ito?" Si G. Malintong ang guro ay sumagot, "Ikinslulungkot ko hindi ko po alam. Gusto ko sanang pakinggan." Nagsimula ang pagkukwento an glider habang ngumunguya-nguya ng buyo. "Noong pang kaunas-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganahan ay nakalimot tuloy sila sa Diyos. Si Kabunian ay nagalit kaya pinarusahan ang mga mamamayan. Umulan ng walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha. Tumaas ng tumaas ang tubig hanggang wala nang Makita sa paligid liban sa mga Bundok ng Pulog at Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod. Namatay lahat ng mga tao at ang natira lamang ay si Wigan at Bugan nam,a'y sa Bundok ng Anuyao. Nais magluto ni Wigansubali't...

Alamat ng Bundok Arayat

Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan. Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan n...

Alamat ng Bulkan Taal

Mayroon isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon, mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan. Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan. Masasabing si Prinsesa Taal ay mahahalintulad sa pausbong na bulaklak na wala pang nakakadapong bubuyog upang higuping ang tamis ng kanyang pagmamahal. Ang kanyang kutis ay sariwa at humahalimuyak. Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa, tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay. Mayr...

Alamat ng Bulkan Pinatubo

Masagana ang Kahariang Masinlok. Magandang maganda noon ang umaga. Maningning ang sikat ng araw .Sariwa ang hanging amihan. Lunti ang mga halaman sapaligid. Masigla ang awit ng mga ibon. Bughaw ang kabundukan. Subalit ang kagandahan ng umaga ay hindi nakasiya sa Datu.Wala siyang madamang kaligayahan sa lahat ng namamalas. Malungkot na nakapanungaw ang Datu.Nakatuon ang ma paningin sa sa bughaw na kabundukan. Nakakunot ang noo at tikom ang mga labi. Nagbuntong-hininga nang malalim. "Malungkot na naman kayo, mahal na Datu," narinig niya sa may likuran. Bumaling ang Datu. Nagtanong ang mga mata ni Tandang Limay. Isa ito sa bumubuo sa "Konseho ng Matanda." "Ikaw pala. Nalulungkot nga ako, Tandang Limay. Naalaala ko ang aking kabataan," at nagbuntung-hininga muli. Humawak siya sa palababahan ng bintana. "Nakita mo ba ang bundok na iyon?" nagtaas ng paningin ang Datu. "Oo, aking Datu, ngunit ano ang kinalaman niyon sa inyong kalungkutan?...

Alamat ng Bulkan Mayon

Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw sa kanya ng mga tao sa Daragang Magayon na ang kahuluga'y "Magandang Dalaga." Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kanuen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ng araw. Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Magayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapi sa munting ilog, nakita ang dalagang namumupol ng bulaklak. Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit up...