Skip to main content

Alamat ng Niyog

Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahihirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: "Sino na ang magapakain sa amin?" tanong ng pinakamatandang anak. "Sino na ang mag-aalaga sa amin?" tanong ng ikalawang anak. "Sino na ang maglalaba n gating damit?" tanong ng ikatlong anak. Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya'y maganda at maputi. "Huwag na kayong umiyak," sabi niya. "Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at maghintay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi ...

Alamat ng Makopa

Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit ng iasng mataas na bundok at halos naliligiran ng malapulong gubat. Ang mga mamamayan ditto ay tahimik at maligaya sa kanilang pamumuhay. Ang malawak na bukirin at mayabong na punong-kahoy ay nagbibigay ng masaganang ani na siyang ikinabubuhay ng bawat taong naninirahan doon.

Ngunit sa lahat ang pinagmamalaki ng mamamayan ay ang kanilang gintong kampana na nakasabit sa simboryo ng simbahan. Ang pinagmulan nito ay matagal ng nalimutan. Ayon sa mga kanunu-nunuan nila ang kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang ginagalang.

Dito ay may napapaloob na hiwaga at ang paniwala'y doon nanggagaling ang biyayang tinatamasa nila sa buhay. Ang batingaw na iyon ay napakaganda ang hubog, malakas, at buo ang tunog. Kung tumutunog ay kinaririrnggan ng napakagandang tinig ng bawat taong makarinigay sapilitang lumuluhod at taimtim na nagpapasalamat sa Maykapal dahil sa mga biyaya nilang tinatanggap.

Talagang napakalaki ng pagsamba at paggalang ng mga tao sa kanilang batingaw.

Maraming sa tao sa malalayong bayan ang nakaalam sa kahalagahan ng kampanang ito. Hindi lamang kakaunti ang nagkaroon ng masamang nasa na makamtan ang nasabing batingaw. Higit sa lahat na may nais ay ang mga tulisang naninirahan sa gubat. Balak nilang tunawin ito kapagka nakuha nila.

Isang araw, ang buong bayan ay nagimbal sa sigaw na: "Tulisan, tulisan ang mga tulisan ay dumarating!" Di nag-aksaya ng panahon ang pari at ang dalawang sakristan, biglang ibinababa ang kampana't itinago. Nang dumating ang mga tulisan wala na ang batingaw.

Ang pari at mga sakristan ay pingsasaktan ng mga tulisan at pilit na pinalabas sa kanila ang batingaw. Datapwa't hindi nagtapat ang mga ito hanggang sa pagkamuhi ng mga tulisan ay pinagpuputlan sila ng liig. Nagbalik ang mga tulisan sa gubat na hindi nakamtan ang pakay nila.

Ang bayan ay nagulo. Lahat ng tao'y nalungkot pagka't ang pinakamamahal nilang batingaw ay di nila makita sapagka't ang nakaalam lamang ng pinagtaguan nito ay ang tatlong pinatay ng tulisan. Lahat ng mamamayan - bata, matanda, mayaman, mahirap ay para-parang nangagsipaghanap. Nguni't hindi rin nila matagpuan. Lumipas ang maraming araw at ang batinagw ay patuloy ng naglaho. Sa hinaba-haba ng panahon ang mga tao ay nakalimot na sa kanilang banal na gawain. Wala ng pumupunta sa simbahan upang magdasal. Ang mga bukid ay naiwan ding tiwangwang. Lagi na lamang may gulo sa bayan. Anupa't ang bayan ay nababalot ng kalungkutan.

Isang umaga, may maraming taon na nakalilipas ang mga taong nagdaraan sa may simbahan ay nakakita ng isang punung-kahoy sa tabi ng kumbento na hitik na hitik sa bungang-kaiba sa mga bungang kahoy. Ang mga bunga ay kakaiba ang hugis, at hugis kampana. Nagkagulo ang mga tao sa paligid ng puno at sila ay nagtaka kung saan nanggaling ang punong yaon na bukod sa hugis kampana ay mamula-mula pa na anaki'y ginto. Isang matandang lalaki ang pumagitna sa mga taong nangaroroon at nagsalita ng, "Habang ako'y natutulog, tila nakarinig ako ng isang tinig na nag-uutos na hukayin ko ang ilalim ng isang puno sa tabi ng kumbento. Ngunit ito'y di ko pansin sa pag-aakala ko na isang panaginip lamang."

Madaling ginawa ng mga tao ang sinabi ng matanda. Laki ng katuwaan nila nang matagpuan ang batingaw sa ilalim ng ugat ng nasabing puno. Ang lahat ng mga tao ay nagtungo sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakabalik ng kanilang kampana. Makailang sandali ang magagandang tunog ng kampana ay narinig na. Ito ay nagbigay ng kasiyahan at katahimikan sa puso ng mga tao habang sila ay tamtim na nananalangin.

Ang mahiwagang puno naman ay patuloy ng pagbubunga at nang lumaon ay napag-alamang iyon ay kinakain. Ang mga bata'y nangatutuwa sa hugis ng bunga nito, kawangki ng kopa. Pagkalipas ng ilang araw ang bunga ay tinaguriang "Makopa".

bloggercode

Comments

Popular posts from this blog

Alamat ng Cainta

Ang Cainta ay isang bayan sa lalawigan ng Rizal. Noong unang panahon, may isang babae na kilalang-kilala ditto dahil sa magaganda niyang katangian. Mayaman, maganda, mabait at matulungin. Ang pangalan niya’y Jacinta. Ugali na niya ang tumulong sa kapwa. Nililimusan niya ang bawat pulubing lumalapit sa kaniya. Iniimbitahan pa nya ang mga ito upang kumain sa kanila. Mahilig din siyang makipaglaro sa mga mahihirap na bata. Ano mang laruan na magustuhan ng mga ito na hindi rin makasasama sa mga bata ay kanyang ipinagkakaloob sa mga ito. Hanggang sa kanyang pagdadalaga ay dala pa rin ni Jacinta ang magagandang katangiang ito. Si Jacinta ay madasalin. At kung araw ng lingo siya ay nasa simbahan. Nagpapamigay din siya ng mga regalo sa mahihirap pagkatapos ng misa. Dahil sa kanyang kabaitan, biniyayaan siya ng Diyos ng magandang kapalaran sa pag-ibig. Naging kasintahan niya ang kanyang kababata na isa ring mabuting tao. Mabait at maunawain din ang kanyang nobyo. Sa kasamaang palad ay nagkas...

Alamat ng Bundok Arayat

Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan. Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili. Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na pangyayari ang mararanasan n...

Alamat ng Mais

Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na mag-ayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok. Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging maayos nito sa sarili kaya’t hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita; magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga gawaing bahay. Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga nito sa sarili at sa kanyang buhok. Ku...